Thursday, March 25, 2010

One More Chance

LOVE IS FOREVER
Basha: 10 yrs from now, ganito pa rin kaya tau?
Popoy: 10, 11, 12, 13, 14, forever and ever!
Basha: promise?
Popoy: promise.

CAR SCENE
Popoy: sabi ko naman sayo, kung di mo dinala yang kotse mo, hindi ka sana naperwisyo
Basha: poy, kaya ko na
Popoy: ako na
Basha: tigilan mo na yan poy, kaya ko na
Popoy: ako na
Basha: Popoy, kaya ko na! Popoy! i dont even know kung tama tong ginagawa ko pero ang alam ko kailangan ko nang tapusin to..
Popoy: basha mahal mo pa ba ako?
Basha: poy, im so sorry..


WHEN LOVE ENDS

Popoy: Alam nating madaling sumuko, pero hindi ka ganon!

Basha: kailangan ko to..kailangan mo rin.

Popoy: pero ikaw ang kailangan ko..

— Dimples: if kaya pang ayusin, pipilitin, but if this is really what both of you need, then just be strong. magiging mahirap at masakit pero hopefully, all the pain will be worth it.


BREAKING UP

  1. Popoy: “Akala ko ba walang magbabago? Basha, papano na tayo?”
    1. Basha: “Wala nang tayo Popoy.”

  2. Popoy: “Ganun lang yun? Bash five years! Itatapon mo lang lahat. Hindi mo na ko bibigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko ‘to?”
  3. Basha: “I already gave five years of my life Poy. It’s about time you give me what I want.”
    1. Popoy: “But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo mawala ka sa buhay ko.”



FORGIVENESS

Basha: i'm sorry, i'm so sorry.

Popoy: No. I am sorry. I’m sorry for not saying sorry before noong nasaktan kita. Noon kasing nagkahiwalay tayo, ang inisip ko, sarili ko lang. Yung nararamdaman ko lang. Yung gusto ko lang. I’m sorry Bash, naging madamot ako. Hindi ko inintindi na kailangan mo rin palang hanapin yung Basha’ng nawala noong minahal mo ako.

Basha: Yung Basha’ng mahal ka pa rin.

Popoy: Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sa’yo na, sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit.

Pero pag sa tuwing nararamdaman ko kung gaano kita ka mahal; hindi ko maiwasang maramdaman ulit ang lahat ng sakit. And I’m sorry.

Basha: Ano ang dapat kong gawin?

Popoy: Ako na ‘to eh, Bash. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko na ang lahat ng sakit. Para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa atin. Para bumalik yung Popoy na nawala, noong nagkahiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para pag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin ng buong-buo. Na wala ng anong takot kung masakatan man tayo uli.



Paano Na Kaya (Fire Truck Scene)

Mae: nailigtas namin ang lahat ng tao ... pero ung mga ari-arian nila..

Bog: Bakit dati sinasabi mo... sinasabi mo sa mga nasusunugan na huwag na silang malungkot dahil buhay pa sila... na hindi dapat panghinayangan.. ang mga pwedeng palitan..

Mae: Akala ko rin.. hindi pala .. may mga bagay na, kapag nasunog.. hindi mo na kayang ibalik sa dati... wala ka nang magagawa kundi.. kundi ang dahan dahan mo syang panoorin tinutupok ng apoy..

Bogs: Mae.. nagpunta ako dito para humingi ng tawad sayo....Kaya kong akuin ang lahat ng kasalan sa mundo.. pero.... pero hindi ang, hindi aminin na ginamit lang kita.. Mae kahit kailan... hindi kita ginawang rebound.. hindi Mae... minahal kita ... mahal na mahal kita.

Mae: Salamat Bogs.. ang sarap pakinggan... at mas masarap paniwalaan... pero hanggang kailan?.. bukas makawala.. may darating na iba... may bagong pagseselosan... it's not you Bogs.... it's me... im so insecure.. no love could be good enough, not even yours.... rebound man o hindi... ang lungkot diba?

Bogs: Mae magtulungan tayo.. ako ang magbubuno sa lahat ng kulang.. ikaw ang maging Bogs.. at ako ang dating Mae.. maghihintay ako magtiyatiyaga ako lahat gagawin ko hanggang sa maging okay ka na..hanggang kaya mo nang mahalin ang sarili mo.... hanggang kaya mo nang akong mahalin ulit...ibalik natin lahat sa dati Mae.. sa dati Mae..

Mae: Sana na nga Bogs... sana ganun lang kadali yun.. pero hindi eh..Bogs sana ako naman, yung ako lang.. yung ako lang mag-isa... salamat sa lahat... salamat sa lahat Bogs mamimiss kita..

Paano Na Kaya

Bogs: Mae its not what you think.. Mae please makinig ka muna sa akin.. Mae wala yun.. wala talaga yun.. kailan ba ako nagsinungaling sayo?

Mae: Kailan? dati Bogs hindi.. pero simula ng nakasanayan mo akong sabihan na mahal mo ako.. naging sinungaling ka na..

Bogs: Hindi... hindi totoo yun... hindi kita mahal?? hindi kita mahal??

Mae: mahalaga lang siguro pero hindi mahal.

Bogs: Mae huwag kang ganito.. huwag ganito.. kung di kita mahal bat ako nasasaktan na makita kitang ganyan?

Mae: Bogs minahal mo ba talaga ako? o sinubukan mo lang akong mahalin para hidi rin kita iwan? ano ba talaga ang totoo?

bogs: ganong klaseng tao ba ako Mae? isusugal ko ang friendship natin.. gagawin kitang panakip butas tapos ano? para ano? isinugal ko dahil mahal kita... kaya lang...

Mae: ayan!.. dyan tayo sumasablay Bogs eh.. sa kaya lang... laging may kaya lang... never naging simpling MAHAL KITA Mae.. yun lang naman ang gustong marinig ng kahit sino diba? bakit di mo magawa sa akin yun.. Bogs walang namilit sayo.. walang nagmakaawa sayo.. sinabi ko lang naman sayo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago yun.. Bogs sana lumayo ka nalang... sana umiwas ka na lang maiintindihan ko pa yun.. pero Bogs shinota mo ko eh.. shinota mo ang bestfriend mo! at nang bumalik si Anna pinatalo mo ang lahat.. ipinatalo mo ang lahat pati ako.. pati ako.. pinatalo mo ako! congratulations! congratulations natalo tayo.